Yay, 2nd week na, pero bakit parang bumagal ang takbo ng oras, dati naman ay sobrang bilis. Ano ba to, pangalawang linggo, wala lang parang nung unang linggo, boring parin. Wala ng ikasasaya pa pero naging makabuluhan tong linggong to para sa akin, marami akong natutunan at may mga bagong experiences. First week ng back to school ngayong taon, nung una, kinakabahan ako kase baka mawala na yung consideration ko sa language, kung nagkataon, 0 ako sa lahat pero nung lunes, samo’t saring papuri na natanggap ko, unang subject palang Bravo! na agad ang unang sinabi sa akin. Araw din un ng pagaannounce ng grade, medyo mataas naman, nakakuha rin ng highest at hindi ako makapaniwala, nakuha sa sipag, kaya kayo kahit hindi kayo magaral, magsipag lang kayo. Tataas grade niyo. promise. Nung tuesday nalaman ko ang importansya ng mga tao sa paligid mo, swerte ko pala na may kababayan ako na kasama sa klase ko, kung hindi, matagal na akong sumuko. First time ko pating sumaya ng tuesday kase wala yung prof ko sa PE, hindi ako magmumukang tanga sa harap ng buong klase habang naglalaro, hirap kaya. Miyerkules ata, nainis ako dun sa prof, kase daming pinagawang homework tapos hindi pala ccheckan, tapos tinakas ko yung drawing drawing seatwork para gawin sa bahay, pilit kase yung binigay na grade. haha. Huwebes, wala masyadong nangyari pero nakakuha ako ng ticket ng tren, 10 access tapos 1 palang ang gamit. Kaya hindi na ako mag1 2 3, sa tren. hahah. Biyernes, Friday the 13th. Hindi naging malas pero malungkot. Daming problema, pero limot ka na kung ano. Tapos MYMP, nainis ako ng onti pero okay lang, proud na proud kase saken ang aking ina gawa nung grade ko, medyo OA pero hayaan nalang. Sabado, may pasok parin, buti nalang gusto ko yung sched, tapos inannounce na may pasok ulit sa susunod na sabado, at may panonoorin sa biyernes kaya walang klase. Nainis ulit ako dun sa mga kaklase ko gawa nung pinagawa sa computer, pinaghirapan ko tapos kokopyahin lang nila, tapos yung prof, alam naman palang kinopya, hindi pa sinisi. Sakit ng batok ko katitingin sa likod tapos pareho lang kami ng kinuha. Linggo, maikling pahinga, walang ginawa, tapos malaman mong lunes nanaman bukas at may pasok ulet, buong araw ako gutom, pabalik balik sa kusina, araw ng pagbawi sa panonood ng mga tv series sa nakaraang araw, tapos ngayon, gabi nanaman, onting oras nalang ay tutulog na ulit at may pasok nanaman. Hay buhay, sadyang kay hirap. Walang magagawa. Sana sa susunod na linggo, maging masaya naman kahit onti. Please…
tagged as: week 2. kwento.
-
akounggoy posted this
