Ako lang naman ang nakatadhana para sa’yo, Anon. =)

Maikli ngunit napakagandang katanungan, Sino nga ba ako? Ewan, Ako siguro yung taong masiyahin kung titingnan pero maraming natatagong problema at hinanakit sa loob. Ako siguro yung taong sobrang tahimik at mahiyain sa tingin ng ibang tao pero sobrang ingay kapag kaibigan ang kinakausap. Siguro ako na nga yung dakilang kaibigan pagdating sa financial problems ng iba, yung taong maasahan sa panlilibre. Ako rin ata yung taong sobrang emosyonal at problemado sa lahat ng bagay pero nagagawa paring tumawa at magbigay payo sa mga nangangailangan. Hindi ko rin alam e, siguro’y hindi ko pa kilala ang sarili ko kaya ganito ako ngayon. Hindi ko rin alam kung paano ko makikilala ang sarili ko, paano nga ba?

Ako siguro yung pogi na mapapangasawa mo balang araw. =))) 


tagged as: Hello. Anon.