Friday the 13th

Malas daw? Sa akin, hindi naman. Parang wala lang, normal na araw, boring at malungkot parin. Masyado na akong naguguluhan sa mundo. Ang daming problemang hindi naman dapat pinoproblema. Hirap akong makibagay sa mga taong hindi ko maintindihan. Yung pakiramdam na, ang kasama mo halos araw araw ay yung mga taong ibang iba ang ugali sa’yo, yung taong hindi mo naiintindihan at hindi ka rin naiintindihan. Masyadong komplikado. Gusto ko lang naman pong masanay at makapag adjust ng tuluyan dito sa ibang mundong tinatapakan ko. May pasok pa bukas, makakasama ko nanaman sila. Bahala na.