At dahil, unang tingin ko palang dun sa 365/366Day Challenge ay tinamad na ako, by week nalang ako magpopost.
Pano ko ba idedescribe tong First Week ko?Siguro’y Boring,Unproductive,Slow,Hassle. Eto siguro ang pinakaboring na week sa buhay ko. Mismong New Year ay boring. First New Year ko dito sa Italy at talagang ibang iba sa Pilipinas. At dahil bakasyon parin kame hanggang ngayon, sobrang unproductive ng mga araw ko. Nagsisimula lagi sa Tumblr at natatapos sa Tumblr. Hmm. Wala naman masyadong nangyari, basta ang alam ko, ngayon lang ako nastress sa paggawa ng mga Projects,Homeworks at Presentations, ang hirap talaga. Bukas magsisimula na muli ang pagpasok ko sa eskwelahan, sana hindi mangyari yung mga iniisip ko, hindi ko na kase tinapos yung presentation ko, bukod sa sobrang hirap nito ay alam ko namang ako lang ang gagawa nun sa amin. Diba? parang sinayang ko lang ang oras ko. haha.
Sana sa mga susunod na araw at linggo, maging masaya na ko.
