
Tandaan mo, lahat ng tao ay nakakalimot. Napahiya ka man ngayon, tiyak bukas makalawa, wala ng nakakaalam ulit nun, kung hindi ikaw lang.
Mayroon tayong mga kaibigan na bigla biglang nawawala, yung tipong dati ay lagi kayong magkausap, magkatext, o magkasama tapos bigla bigla nalang silang mawawala parang bula at hindi magpaparamdam tapos wala ka ring maisip na dahilan kung bakit? Hindi naman kayo nagkatampuhan, Wala naman tayong kasalanan sa kanila, Hindi naman natin inagaw ang syota nila.. pero bakit sila biglang mawawala ng hindi nagsasabi? Yan ang hindi ko masagot, siguro’y walang makakasagot nito at kung meron man ay onti lang. Yung mga pagkakataong tatanungin mo nalang ang sarili mo kung nasan na kaya sila? kilala pa kaya nila ako? ano kayang number niya? bakit di siya nagrereply? buhay pa ba yun? At sobrang daming katanungin pero hindi mo alam kung anong kasagutan. Pero ewan, ganun lang daw ang buhay, People come and go.
Kaya ikaw kaibigan, pwede ba kung aalis ka, magpaalam ka naman! Hindi kame manghuhula para alamin kung bakit ka umalis. Salamat.

